

College farewell. Ang confident ko na talaga no? Yung Literature lang naman problema ko eh. Sana naman kahit 2.75 lang makuha ko dun. Hm. Four years in college is sobrang punong puno ng lessons. Academic, friendship, lovelife, family, carreer, self, religion, belief. Kung sa highschool, puro saya lang at konting saklap, sa college, i-times 100 mo. Andyan lagi yung pressure, stress. Kung incoming first year college ka, malamang sawang sawa ka na sa mga ganitong linya. Pero totoo po. May mga araw na wala ka nang pahinga kundi pag-ihi mo. May mga araw na makakatulog ka sa klase ng pinaka boring na prof sa school nyo. May mga araw na mapapahiya ka kasi alam mo nga yung sagot sa tanong, pero di mo maexplain. May mga oras na mag aaway kayo ng mga kaibigan mo dahil sa malilt at malalaking bagay. May mga oras na maiinis ka sa parents mo kasi hindi ka papayagan umalis kahit na pinaalam mo pnag para sa projects mo yun. At may mga times na papaasahin ka ng isang tao hanggat mahalin mo sya ng sobra sobra. Kung akala mo, ang dam mo nang natutunan sa high school, nako. Walang wala yan pag dating mo ng college. Ang payo ko lang sayo, magtiwala ka sa sarili mo at sa sarili mo lang. Kung virgin ka pa, wag kang makpag sex muna. Kung matalino ka nung high school nyo, wag kang maging over confident. Kung masaya kayo ng pamilya nyo, wag kang magagalit sakanila hanggat hindi ka nila tinatakwil. At kung marami kang kaibigan, magkakaron ka pa ng mas madami pa. Mabuti nalang yung ibang nangyayaring masama sa ibang mga tao sa college, hindi ko naranasan. Buti nalang kahit papano, nagpahalaga ako sa sarili ko at sa kung anong meron ako. Buti nalang nagsikap padin ako sa kabila ng lahat ng problema. Ganyan naman yun diba? Wala ka namang magagawa kundi mag go lang ng go.
Ngayon, naghahanap na ko ng trabaho. Sana may makuha ako agad. Kasi gusto ko na magbigay kila mommy at daddy. Gusto ko nang bumili ng mga bagay na masaya kong makikita at iisipin kong “pinaghirapan ko yan”. Gusto o na umals at magexplore sa Earth. Gusto ko na maging mas masaya. :”>
College farewell. Ang confident ko na talaga no? Yung Literature lang naman problema ko eh. Sana naman kahit 2.75 lang...